Ng Mamulat si Maria ang kolehiyala
Ni Nathaniel Espinosa
(2010)
Huli na ang lahat
Libro ang nasa kamay ni maria kapag may liwanag
Patalim naman ang kinakapitan niya sa kadiliman
Isa siya sa itinuturing mong pag- asa ng bayan
Huli na ang lahat
Sa mga ngiti at sakripisyo
Sa karikitan ng kanyang katawan at mukha
Nagsuot ang isang dalaga na gutom sa kalinisan, hustisya at
kalayaan sa ating panahon
Huli na ang
lahat
Ang mundo
ay bulag na sa mga taong tulad ni Maria
Hindi si
Maria ang nakikita nila kung hindi
Ang taong
gusto nilang makasama sa kama
Huli na ang
lahat
Kasalanan
mo man o ng iba
Nararamdaman
mo man siya o hindi
Nanawagan
siya ngunit ayaw mong pakinggan
Hindi pa huli ang lahat
May ibang liwanag na nasilayan
Matang puno ng luha at hinanakit ay naimulat
Lumuhod siya dahil sa imbitasyon Niya, Patawarin Niyo po ako
>>> ang tulang ito ay naisulat ko noong 1st year college ako sa isang contest sa aming unibersidad. Kasama ang aking kaibigan na si Jeremy. Pauwi na kami noon subalit napag tripan naming sumali sa contest na ito. Colleger tripings hehehe.
>>>para ito sa lahat ng kababaihang nananatiling matatag sa hamon ng buhay sa kanila. Saludo ako sa inyo. :) mwah mwah:)