JABARIN MAN AKO BASTA PARA SA IYO
Matagal ko ng pinapangarap na mag- pilgrimage. Something for Bro Jesus. Kahit dito lang sa Manila. Well nitong March 26, 2013 lang ay natupad na nga ang aking pangarap. Whew... Hahaha kahit medyo hussle dahil talagang napakainit at 2pm na kami nagstart ay ok lang. Kahit na parang gripo ang pawis ok lang. Basta para sa iyo gagawin ko. heheh:) Love you Bro Jesus!
ST. PAUL UNIVERSITY MANILA CHAPEL
QUIAPO CHURCH
STA. CRUZ CHURCH
Whew. Eto naman ang Sta. Cruz Church. Inaayos pa ang simbahan na ito nung pumunta kami dito. Akala ko nung una ay hindi katolikong simbahan ang pinasukan namin dahil may malaking tupang bumulaga sa amin na siyang nakdisensyo sa likod ng altar ng simbahan. Nakalimutan kong si Bro nga pala ay ang mabuting pastol. Hehe. Stupid.
SIOPAO
Medyo ginutom kaya diresto muna sa pinakamalapit na siopawan. Ang target ko talaga ay fried siopao. Pero dito kami napadpad. May matandang sumalubong sa amin pag-pasok namin sa tindahan. Benga! Mukhang mali nga talaga ang siopawan na napasukan namin. Mukhang hindi masarap. Hehe. Pero infareness Masarap naman ang siopao bukod sa napakalaki nito eh masasabi kong malaman ang siopao ni Lola este ng tindahan na ito. Nakalimutan ko na ang pangalan eh basta ito ay nasa ONGPIN st. malapit sa Binondo Church.
BINONDO CHURCH
Whew. Binondo Chruch. The place to be. Alam niyo ba na dito sa simbahan na ito kinasal ang aking mga magulang. Medyo bago na ang loob nito kaya kung magbabalik man sila dito sigurado akong hindi na tulad ng dati- yung simbahan. Pero ang mga magulang ko saksi ako sa tumitibay pa nilang pagmamahala. Whew isa na siguro ako sa pinakasuweteng kumag dito sa mundong ito dahil buo ang aking pamilya at nakakain ako ng higit sa tatlong beses sa isang araw kaya nga siguro medyo XL ang size ng mga shirts ko ngayon. Hehe.
MALATE CHURCH
Next Stop ay Malate Church. Medyo badturp kasi sarado ang Manila Cathedral at ang San Agustin Church. So from Intramuros diresto kami dito sa Malate. Astig ang simbahan na ito dahil kung di mo nalalaman ang subok na ng ilang unos ito. Buhay na Buhay pa rin. Ang loob nito ay medyo makitid parang mini cathedral ang style. As usual madaming nagdadasal sa loob. Nagbabakasakali, nagdadasal, humihingi ng awa sa ating Panginoon. Hindi kaya nalilito ang ating Maykapal sa dami ng problemang indinudulong ng ating kapwa? Sabagay baka sa itaas hi tech na masyado. Ang mga hiling ng tao parang email na lang na dumarating at may mga sekretaryang anghel ang Panginoon para tulungan siyang basahin ang lahat ng messages sa inbox niya. Whew. Hussle yun tsong! Hahah. Pero oks lang yun. Sa isang tulad niya na sandigan ng maraming nilalang naniniwala ako na hindi Siya napapagod at lagi lamang nariyan para sa atin. :)
REDEMPTORIST CHURCH
Dito daw ako hiniling ng erpats ko sabi ni mamang. Dito sa simbahan ng Baclaran. Whew masyado siguro malakas manampalataya si erpats kaya bumulaga sa kanyang ang isang malaking supling na ngayon ay naguumapaw na sa GANDANG LALAKI. Hehehe. Salamat sa simbahan na ito dahil maraming tao ang nagkakaroon pa rin ng pag-asang mabuhay sa mundong ito.
After namin sa redemptorist paglabas namin ng simbahan ay na sales talk kami ni kuya na nagtitinda ng PIZZA IN A CONE. Astig. Kumagat kami. Ang laki ng image sa labas pero pagbigay sa amin nung inorder namin boom Piiizzzzaaa in a Cone (Maliit na cone) ang bumulaga sa amin. Wheeeeewwww... php 50 din yun ah... Pero ok lang nabusog naman ako. And actually im in a strict diet kaya ok lang. Hahaha.
MOA CHURCH
Special thanks to Ms. Cherry Mae Salazar at Flery Ann Portal Robles sa pagsama sa pilgrimage na ito. Sila nga pala yung mga chicks na kasama ko sa itaas:)